Lahat ng 132 katao na lulan sa bumagsak na China airliner, patay

Kinumpirma ng China’s aviation authorities na patay ang lahat ng 132 katao na lulan sa China Eastern Airlines jetliner, na bumagsak sa bahagi ng southern China.

Ayon sa China’s Civil Aviation Administration (CAAC), nakilala na nila ang 120 sa mga biktima gamit ang DNA testing, na kinabibilangan ng 114 pasahero, at anim na crew members.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Ang pagbagsak ng Boeing 737-800 plane ay ang pinakamalalang air disaster ng China sa loob ng nakalipas na higit dekada.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Samantala, hindi pa natukoy ang dahilan ng insidente, pero narekober naman ang “black box” ng eroplano.

Ang pagkakarekober sa flight data recorder, kasama ang cockpit voice recorder ay magbibigay ng mahahalagang clues kung paanu nangyari ang naturang sakuna.