Publiko, walang dapat ikabahala sa gitna ng bagong COVID-19 variant na XEC

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa rin napapanahon magpatupad ng lockdown at mandatory wearing ng face mask.

Sa gitna ito ng panibagong variant ng COVID-19 na XEC na na-detect ngayon sa Germany.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay DOH spokesperson Asec. Albert Domingo – nilinaw nitong hindi ito ‘sing bagsik ng mga unang variants ng COVID-19 sa unang wave nito.

Bagamat hindi nila isinasantabi ang posibilidad na posibleng may nakapasok nang XEC sa bansa – sinabi ni Domingo na paghuhugas pa rin ng kamay ang pinakamabisang paraan para labanan ito.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Sa ngayon, nananatili pa ring mababa ang active cases ng COVID-19 sa bansa.

Sa katunayan, sa mga nagdaang araw – tanging 16 cases a day na lamang ang kanilang naitatala.