Inirampa ng mga kandidata ang kanilang naggagandahang mga gown para sa evening gown preliminaries ng Miss Universe Philippine 2021.
Sa isang livestream, ay ipinakita ng beauty queens mula sa iba’t-ibang panig ng bansa, ang kanilang mga eleganteng kasuotan, classic make-up at sari-sariling hairstyles.
Gawa ng iba’t-ibang Filipino designers ang mga sinuot nilang gown.

Una nang pina-init ng mga kandidata ang runway sa Clark International Airport nang ipakita nila ang kanilang kaseksihan suot ang orange swimsuits.
Noong Huwebes naman ay ibinida ng bawat isa ang kanilang national costumes habang nasubukan rin ang kanilang galing sa pagsagot sa mga tanong sa isinagawang preliminary interview ng pageant.
Mababatid na mula sa inisyal na top 30 ay nabawasan ito sa 28 matapos ang pag-drop out ng dalawang kandidata, kabilang na sina Joanna Marie Rabe ng Zambales dahil sa dengue fever; at Ybonne Ortega ng Davao City.
Samantala, bago ang koronasyon sa September 30 ay may pagkakataon pa ang fans na iboto ang kanilang mga paboritong kandidata hanggang September 29 sa pamamagitan ng Lazada.