COVID-19 cases sa Bicol sumampa na sa mahigit 35k matapos madagdagan ng mahigit 1k nitong weekend

BICOL—Pumalo na sa kabuuang 35,755 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na magtala ng 1,167 na karagdagang kaso nitong Sabado at Linggo.

Sa tala ng Department of Health (DOH) Bicol, umabot sa 554 ang mga kasong naitala noong Sabado habang 613 naman kahapon, araw ng Linggo.

Dahil dito ay mas tumaas pa ang bilang ng aktibong kaso na umabot na sa 11,121 o 31.10% ng total cases.

Sa tala kahapon, record high ang mga kaso sa Camarines Sur na umabot sa 335 o mahigit kalahati ng mga bagong kasong naitala sa Bicol. 145 nito ay mula sa Naga City, 45 sa Pili, 20 sa Tigaon, 16 sa San Jose, 13 sa Bula, 12 sa Ragay, sampo sa Tinambac, siyam sa Canaman, walo sa Pasacao, pito sa Siruma, tig-anim ang Bato at Nabua, tiglima ang Iriga City at Magarao, tig-apat ang Garchitorena at Sagñay, tatlo sa Libmanan, tigdadalawa ang Camaligan, Goa, Ocampo, San Fernando at Sipocot at tig-iisa ang Buhi, Cabusao, Calabanga, Gainza, Minalabac, Pamplona at Presentacion.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Umabot naman sa 95 ang bagong kaso sa Albay kung saan 17 nito ay mula sa Tiwi, 15 sa Legazpi City, tigsampo ang Camalig at Daraga, siyam sa Bacacay, pito sa Ligao City, tig-anim ang Guinobatan at Tabaco City, lima sa Polangui, apat sa Santo Domingo, tigdalawa ang Malilipot at Oas at tig-isa ang Libon at Manito.

Record high din ang bagong kaso sa Camarines Norte na umabot sa 75 kung saan 19 nito ay mula sa Talisay, 15 sa Daet, siyam s aBasud, tigwalo ang Jose Panganiban at Vinzons, pito sa Labo, tatlo sa Santa Elena, dalawa sa San Lorenzo Ruiz at tig-iisa ang Capalonga, Mercedes, Paracale at San Vicente.

72 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan 21 nito ay mula sa Sorsogon City, 13 sa Irosin, siyam sa Donsol, pito sa Magallanes, lima sa Gubat, apat sa Bulan, tatlo sa Castilla, tigdadalawa ang Casiguran, Juban, Matnog at Pilar at tig-isa ang Barcelona at Prieto Diaz.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

29 ang bagong kaso sa Masbate kung saan tigpipito ang Aroroy, Masbate City at San Fernando, tigdalawa ang Dimasalang at Esperanza at tig-iisa ang Mandaon, Milagros, Placer at San Jacinto.

Pito ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan apat nito ay mula sa

Viga at tig-iisa ang Pandan, San Andres at Virac.

Samantala, pumalo na rin sa 23,554 (65.88%) ang total recoveries matapos madagdagan ng 90 bagong gumaling kung saan 50 nito ay  Camarines Sur, 26 sa Sorsogon at 14 sa Catanduanes.

Pumalo na rin sa 1,080 (3.02%) ang death toll matapos madagdagan ng isa mula sa Sorsogon.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm