Miss Universe, gusto nang ibenta

Ibinebenta na ng negosyante na si Ari Emanuel ang Miss Universe sa halagang US$20 million.

Pero sa ngayon, nahihirapan daw si Emanuel na maghanap ng bibili sa Miss Universe.

Ayon sa report ng New York Post, anim na buwan na palang naghahanap si Emanuel ng buyer para dito.

Sinasabing nakuha ng hard-charging CEO ng Endeavor, at nagmamay-ari rin ng Ultimate Fighting Championship at ng William Morris Talent Agency, ang beauty pageant organization mula kay Donald Trump noong 2015 bago ang kanyang presidential bid.

Bagama’t hindi ibinunyag ang presyo nito, sinasabi naman ng financial statements na may kaugnayan sa political campaign ni Trump, N ang organization ay nagkakahalaga sa pagitan ng $5 million at $25 million at mayroong kita na $3.4 million.