Natapos na ang ningning nina Serena at Venus Williams sa Grand Slam doubles career sa US Open, matapos na malampaso ang reunited sisters sa unang round pa lamang, laban kay Czech duo Lucie Hradecka at Linda Noskova.
Ang Williams sisters, na nasa final outing na nasa bilang Grand Slam doubles duo ay nakakuha ng score na 7-6 (7/5), 6-4 loss sa Arthur Ashe Stadium.

Matatandaan na ang American pair, na panalo ng 14 na Grand Slam crowns at tatlong Olympic gold medals, ay hindi sabay na naglalaro sa doubles tournament, simula noong 2018.
Pero nabigyan ito ng wild card para sa draw ngayong taon sa US Open, ilang linggo matapos ibunyag ni Serena na siya ay magreretiro na matapos ang tournament.
Una nito, napanatiling buhay na buhay ni Serena ang kanyang US Open singles campaign, na may roller coaster, never-say-die performance.