Minority bloc sa senado, tatangkaing pigilan ang pagpasa ng panukalang MIF

Tatangkain ng minority block sa senado na pigilan ang pagpasa ng panukalang Maharlika Investment Fund.

Iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na walang mabigat na dahilan ang gobyerno para itatag ang MIF dahil wala itong labis na pera para suportahan ito.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sinabi ng senador na hindi magagamit ang dagdag na pondo sa Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines sa MIF dahil naka-programa na aniya ito bilang tulong sa pautang sa mga magsasaka.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Kinwestyon din niya ang competency ng mga taong magpapatakbo sa korporasyong hahawak sa MIF , tulad na lamang ng pagbibgay kapangyarihan sa chairman ng korporasyon na kumuha ng mga pautang sa ngalan ng mamamayang Pilipino para patakbuhin ang MIF.//CA