DOE, tiniyak na walang red o yellow alert sa Malampaya maintenance

Tiniyak ng Department of Energy na walang red o yellow alert sa panahon ng Malampaya Natural Gas Facility maintenance shutdown.

Nakatakdang magsagawa ng maintenance ang Malamapaya mula February 4 hanggang February 18.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Ayon kay DOE Undersecretary Wimpy Fuentebella, kahit wala ang Ilijan plant at ilang Lopez-owned power facilities, tinitiyak nilang magkakaroon ng sapat na supply ng kuryente.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Gayunpaman, dahil tatakbo ang ilang planta sa mas mahal na gasolina, sinabi ni Fuentebella na maaaring may ilang pagtaas sa generation component sa susunod na billing sa buwan ng Marso.//CA