PNP, hindi umano nagsagawa ng tamang autopsy sa bangkay ni Kian delos Santos

Hindi umano nagsagawa ng tamang autopsy ang Philippine National Police sa bangkay ni Kian delos Santos na napatay sa war on drugs ng gobyerno noong 2017.

Sa isang press conference, ibinahagi ni forensic pathologist Raquel Fortun na ang isinagawa niyang re-autopsy sa bangkay ni delos Santos ay nagpapahiwatig na gumawa lamang ng konklusyon ang PNP batay sa superficial cut sa kanyang katawan.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Dagdag pa ni Fortun, hindi rin naisagawa ng tama ng Public Attorney’s Office ang ikalawang autopsy sa labi nito.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Batay sa dokumentasyon ng PAO’s autopsy , gumamit umano ang mga awtoridad ng “randomly positioned protractor and probe” upang suriin ang labi.

Isinagawa ng PAO ang autopsy sa tirahan ni Delos Santos na ayon sa forensic pathologist ay isang red flag.//CA