Higit 20 pulis na sangkot sa pagpatay kay Jemboy, pinasususpinde ng PNP-IAS

Inirekomenda ng Philippine National Police-Internal Affairs Service o PNP-IAS ang 59-day suspension laban sa mahigit dalawampung pulis na sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General, Atty. Alfegar Triambulo, bigo kasi ang mga naturang Pulis na ipreserve ang crime scene at isalang sa ballistic at paraffin test ang mga sangkot sa pamamaril.

Ang rekomendasyon ay para sa ikalawang batch ng mga kasong administratibo laban sa mga pulis.

Kasama rin sa suspensiyon ang walong pulis na napatunayang guilty sa Grave Irregularity in the Performance of Duty and Conduct Unbecoming of a Police Officer.

Nuana nang inirekomenda ng PNP-IAS na tanggalin ang mga ito sa serbisyo, na kalaunan ay inaprubahan ng National Capital Region Police Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *