Mindanao Grid – naka-Yellow Alert na rin

Muling isinailalim ngayong araw ang Luzon, Visayas, at maging ang Mindanao Grids sa Red and Yellow alert status.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) – nakataas ang Red Alert sa Luzon Grid mula alas-tres ng hapon hanggang alas-kuwatro ng hapon; at Yellow Alert naman mula ala-una hanggang alas-tres ng hapon; at alas-kuwatro hanggang alas-diyes ng gabi.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Sa Visayas Grid, nakataas ang Red Alert ngayong alas-dose ng tanghali hanggang alas-singko ng hapon; at alas-sais hanggang alas-otso ng gabi; habang naka-taas din ang Yellow Alert mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali; alas-singko ng hapon hanggang alas-sais ng gabi; at alas-otso hanggang alas-nuwebe ng gabi.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Itinaas na rin ang Mindanao Grid sa Yellow Alert mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon.