PINAG-IINGAT ngayon ang milyong mga residente sa Mexico laban sa nagbabadyang pagsabog ng Popocatépetl volcano.
Mahigit isang linggo nang nakikitaan ng abnormal na aktibidad ang bulkan gaya ng pagbuga ng abo, daan upang itaas ng National Civil Protection Coordination sa yellow phase 3 ang volcanic threat level sa lugar.
Nagsuspinde na rin ng in person classes ang mga bayan sa Puebla, Mexico State at Tlaxcala habang na i-ulat rin ang pagka delay ng mga flights sa Benito Juarez International Airport dahil sa presensya ng volcanic ash.
Samantala, pinaghahanda rin ang publiko sa posibleng pagpapatupad ng evacuation sakaling lumala pa ang abnormalidad ng bulkan sa mga susunod na araw, habang mariing inaabisuhan ang mga ito na huwag na munang lumapit sa 7.5 mile radius mula sa paanan ng bulkan.### JUMEL DELA ROSA