Tinataya ng Department of Education (DepEd) ang nasa 90 percent ng mga public schools ang pagbubuka ng School Year (SY) 2022-2023 sa susunod na linggo sa pamamagitan ng face-to-face classes.
Ayon kay DepEd Undersecretary at Chief of Staff Epimaco Densing III, na ang natitriang 10 percent, ay magpapatupad parin ng blended learning.
Makikipag-ugnayan naman ang Deped sa mga local government units, kung papayagan na ang mga ito sa face-to-face.
Batay sa DepEd Order No. 34 s. of 2022 o ang School Calendar and Activities for SY 2022-2023, papayagan ang mga paaralan na magpatupad ng face-to-face; blended, o full distance learning sa gitna ng transition period mula Aug. 22 hanggang Oct. 31.
Pagdating naman ng Nov. 2, kailangan 100 percent na ang face-to-face classes.
