Militar: walang dapat ipaliwanag sa fuel shipment ng US sa bansa

Wala raw kailangan ipaliwanag ang Armed Forces of the Philippines sa fuel shipment ng US patungo sa Subic Bay.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, hindi involved ang AFP sa prosesong sinunod ng pamahalaan ng Estados Unidos na pawang administrative in nature.

kasabay nito ay nilinaw din ng tagapagsalita ng AFP walang dapat ikapangamba ang lahat hinggil sa nagpapatuloy na reciprocal access agreement ng Pilipinas at Estados Unidos sapagkat ito ay aniya ay pawang mga military activities lamang na nilalayong mas mapalakas at mapaigting pa ang kapasidad ng kasundaluhan ng dalawang bansa.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Una na rin sinabi nig Department of National Defense na ang naturang fuel shipment na karga ng commercial tanker Yosemite Trader ay bahagi ng regular commercial transactions sa pagitan ng US government at Philippine companies.

Read More:  DILG to enforce DOJ order to arrest Bato Dela Rosa

Maalalang nauna nang pinagpapaliwanag Sen. Foreign Relations Committee Chair Sen. Imee Marcos ang DND at AFP sa napaulat na paglipat ng umano’y 39-milyong galon ng fuel ng U.S. patungo sa Subic.