MILF Commander na may patong sa ulo na mahigit 1M, arestado

NADAKIP ng mga otoridad ang isang myembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na diumanoy may patong sa ulo na 1.3 million pesos bago magtanghali noong Sabado.

Sa impormasyon mula sa PNP-Criminal Investigation and Detection, inaresto nila ang suspect na si Jovy Sanguila na isang MILF Commander.

Si Commander Sanguila ay isinasangkot diumano sa pag-atake sa mga bayan ng Kolambugan at Kauswagan sa Lanao del Norte noong August 18, 2002 na nagresulta sa pagkamatay ng 23 katao, kabilang sa kanila sina Lt. Col Angelo Benitez ng 102nd Infantry Brigade at Police Patrolman Dexter Salvacion, at pagkasunog ng ilang bahay sa nabanggit na mga bayan.

Natunton si Sanguila sa Barangay Tuca, Marawi City ng mga operatiba ng CIDG-BAR katuwang ang mga operatiba ng iba’t ibang unit ng PRO-BAR, sa tulong ng mga impormante at mga local government officials ng Lanao del Sur at Marawi City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *