Mike Toledo, bukas sa posibilidad na italagang susunod press secretary

‘Sino ba naman ako para tumanggi?’

Ito ang naging sagot ni Atty. Mike Toledo nang matanong ng media kung tatanggapin ba nito ang alok bilang susunod na press secretary matapos magbitiw sa puwesto kahapon ng dating vlogger na si Trixie Cruz-Angeles.

Si Toledo ay nakitang kasama na ni Pangulong Bongbong Marcos sa isang event ng DENR sa Maynila.

(RTVM SCREENGRAB @ 00:59)
(RTVM SCREENGRAB @ 21:46)

Ayon kay Toledo, hindi siya tatanggi sakali mang mabigyan ng oportunidad na magsilbing muli para sa publiko.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

‘I will be humbled.. It will be an honor and privilege to serve under the Marcos administration.’ ani Toledo.

‘If public service calls for you to make sacrifices then who are we to say no?… Given the opportunity to serve, why will I say no?’ dagdag pa nito.

Si Toledo ay ang kasalukuyang head ng Government Relations and Public Affairs ng Metro Pacific Investments Corporation ng Manny V. Pangilan companies.

Nagsilbi rin itong press secretary noon ni dating pangulong ‘Erap’ Estrada at tagapagsalita sa pangangampanya ni dating defense secretary Gibo Teodoro nang tumakbo ito sa pagkapangulo noong 2010.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Bago ito, dati na rin siyang broadcaster at news anchor.

Una nang sinabi sa isang panayam ni Transportation Usec. Cesar Chavez na maliban sa kanya, ilan sa mga inalok na maging susunod na press secretary ay sina Toledo, at dating Cavite Congressman and broadcast journalist na si Gilbert Remulla.
#

RELATED STORIES:

Angeles, Calida, Rodriguez – um-exit na sa Gabinete

Rodriguez, kinumpirma ang ‘complete exit’ sa Marcos admin

Oath-taking ng mga reappointed Cabinet officials

15 appointed officials ni Pangulong Marcos binypass ng Commission on Appointment