Michael Yang, dadalo sa Senate probe; Nag-request ng interpreter

Nakatakdang dumalo si former presidential economic adviser Michael Yang sa imbestigasyon ng Senado sa hinihinalang ‘overpriced’ pandemic supplies ngayong araw.

Ito ang kinumpirma ng legal counsel ni Yang na si Raymond Fortun, at sinabing nasa Pilipinas si Yang at ito ay dadalo sa imbestigasyon online.

Kinumpirma rin ni Fortun na hiniling ni Yang sa Senate Blue Ribbon Committee na magsama ito ng isang interpreter.

Read More:  MNLF denies protecting Senator Bato dela Rosa

Mababatid na cinite in contempt ng Senado si Yang at naglabas ng arrest warrant laban sa kanya pati na ang lima pang opisyal ng Pharmally dahil sa di pagsipot sa Senate hearing sa kabila ng mga subpoena na ipinadala sa kanila.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Nais ng mga senador na malaman kung may koneksyon si Yang sa Pharmally na naka-secure ng P8 bilyong halaga ng government contracts para sa procurement ng PPE. 

Matapos nito ay dumulog si Fortun sa opisina ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Senador Richard Gordon at sinabing dadalo na si Yang sa susunod na imbestigasyon.