60K suspected adverse reactions, naitala mula sa 30M bakunang naiturok sa bansa

Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director-General Eric Domingo na nakapagtala ang kanilang ahensya ng 60,703 suspected adverse reactions matapos maiturok ito sa mga indibidwal.

Ayon kay Domingo, sa bilang na ito, 2,083 o 0.006% lamang ang nagkaroon ng suspected serious adverse reaction.

Read More:  Chinese MSR vessel and maritime militia spotted in Kalayaan Island Group

Ang bakuna  ng AstraZeneca ang may pinakamataas na adverse reaction rate kung saana karaniwan ng mga nabakunahan nito ay nakakaramdam ng pananakit ng katawan, isang araw na lagnat o sinat, pananakit ng bahagi ng katawan na tinurukan, at pagbigat ng katawan.

Read More:  DSWD meets TNCs for assistance rollout

Sinundan ito ng Pfizer, Johnson and Johnson, Moderna, at Sputnik V, habang wala namang naitalang adverse reaction ang Sinopharm.