Kabilang ang international Filipino designer na si Michael Cinco sa selection committee ng Miss Universe ngayong taon.
Ayon kay Cinco, hiningan lang siya ng profile bio at larawan ng Miss Universe Organization Vice President na si Olivia Quido, at laking gulat na lang niya na kabilang siya sa judges.

Laking pasasalamat naman niyang maraming Pilipino ang na-proud dahil may isang Pinoy sa judging panel ng international competition.
Samantala, ang pambato naman ng Pilipinas sa Miss U na si Chelsea Manalo ay all smiles pa rin bago ang preliminaries at coronation night sa susunod na linggo.
Nakahanap rin agad siya ng panibagong “Ate” sa kompetisyon na si Tatiana Calmell, na roommate ni Chelsea at ang pambato naman ng Peru.
Goal ngayon ni Chelsea na muling maibalik ang korona sa Pilipinas, at maging ikalimang Miss Universe titleholder ng bansa.