Karl Eldrew Yulo, nakamit ang tatlong ginto sa Gymnastics Meet sa Thailand

Bukod sa kanyang gintong medalya sa individual all-around, nakuha rin ng gymnast na si sKarl Eldrew Yulo ang tatlong karagdagang gintong medalya sa 3rd JRC Artistic Gymnastics Stars Championships na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Ayon sa Gymnastics Association of the Philippines (GAP), nangibabaw si Yulo sa floor exercise, still rings, at vault events, at nakakuha rin ng silver sa parallel bars.

Kasama sa nagwagi ang kapwa niya Pinoy na si King Cjay Pernia, na nakakuha ng bronze medal sa vault. Sa kabuuan, nakamit ng Pilipinas ang 20 medalya sa nasabing kompetisyon, kabilang ang 12 ginto, 5 silver, at 3 bronze.