MIAA, isasailalim sa malimit na disinfection ang mga lugar sa NAIA na mataas ang exposure sa FLiRT variant

Isasailalim ng Manila International Airport Authority sa malimit na disinfection ang mga lugar sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan mataas ang posibilidad ng exposure ng mga pasahero sa FLiRT variant ng COVID-19.

Read More:  VP Sara: government should prioritize needs of ordinary Filipinos amid political noise

Pakikiisa ito ng MIAA sa pagsisikap ng pamahalaan na masugpo ang pagkalat at hawaan ng virus.

Inatasan ni MIAA General Manager Eric Ines ang lahat ng Terminal housekeeping service provider na idisinfect ang mga check-in counters at immigration counters.

Read More:  DOH allays public fears over hantavirus threat

Nanawagan naman ang MIAA na sumunod ang lahat sa mga health protocols at guidelines ng mga health authorities.