Mga unvaccinated workers, hinikayat ng dole region 2 na magpabakuna na

Hinimok ng DOLE Region 2 ang mga unvaccinated workers na magparehistro sa pinakamalapit na PESO office sa kanilang lugar upang makapag-avail na rin ng COVID-19 vaccine.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Regional Information Officer Chester Trinidad ng DOLE Region 2, nagpapatuloy ang kanilang vaccination drive katuwang ang DOH sa ibat ibang lalawigan ng rehiyon.

Sa ngayon ay nasa mahigit 300 na manggagawa mula sa construction at manufacturing firm sa Isabela ang nabakunahan na.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nauna na rin silang nagsagawa ng vaccination drive sa Nueva Vizcaya habang sa araw naman ng Biyernes ay magkakaroon na rin ng roll-out sa lalawigan ng Cagayan.

Aminado siya na mababa ang bilang ng mga nabakunahan mula sa kanilang vaccination drive dahil may ilang workers na rin ang nauna nang nabakunahan sa kani-kanilang mga LGU’s.

Samantala, kinumpirma rin niya na wala naman umano silang natatanggap na reklamo mula sa business establishment sa rehiyon na nagpapatupad ng “No Vaccine, No Work Policy.”

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Nakahanda ang kanilang tanggapan na gumawa ng agarang aksyon sakaling may matanggap na report dahil batay sa nakasaad sa batas ay hindi mandatory ang pagpapabakuna.

Gayunman, hinikayat ang mga manggagawa na magpabakuna na bilang proteksyon laban sa virus para sa tuluyang pagbubukas ng ekonomiya.

Photo/DOLE Region 2