Booster shots para sa mga senior at person with comorbidities, aarangkada na susunod na linggo

Kinumpirma ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na sisimulan na ang vaccination ng booster shots sa mga senior citizen at person with comorbidities sa susunod na linggo.

Ito ang inihayag ni Galvez kasabay ng pagsisimula ng pagtuturok ng booster shot sa mga healthcare workers ngayong araw.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Kaugnay nito, sinabi ni Galvez na naglaan ang pamahalaan ng 1.5 hanggang 2 million doses ng iba’t ibang vaccine brands para sa booster shot ng mga health workers.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Kinumpirma din ni Galvez na Sinovac ang ituturok sa kanya bilang booster shot.

Samantala, dumating na sa bansa ang karagdagang 3.5 million doses ng Sinovac na binili ng gobyerno mula sa Beijing