Isa mula sa tatlong Filipino household ang gumagamit ng bike o bisekleta.
Ito ay batay sa pinakabagong resulta sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Napag-alaman sa pag-aaral na ito, na isinagawa noong March 26 hanggang March 29, na ang bilang ng mga pamilya na may hindi bababa sa isang siklista ay tumaas sa 36% o halos 10 million households.
Mas mataas ito sa April 2022 survey kung saan 29% o halos 7.3M mga pamilya lamang ang gumagamit ng mga bike, at higit na mas mataas din 24%, o 6.2 million na kabahayan.
Ayon sa SWS, nakita nila sa 13 nilang surveys mula noong March 2020 hanggang March 2023 na mas marami nang mga bicycle owners kumpara sa mga car owners sa buong bansa.
Mula sa mga pag-aaral umano na ito, mas maraming mga indibidwal ang nag-aari ng mga two-wheeled vehicles, gaya ng bike at motor.