Patay ang isang menor de edad matapos hampasin ng bato sa ulo ng dalawa niyang kaibigan sa Kiogam, Barangay Ilaya, Glan Sarangani Province, Agosto 31, 2023.
Kinikilala ni PLT. Col. Geovanni Ladeo, hepe ng Glan Municipal Police Station ang biktima na si Julkyle Sabroso, 16 anyos, residente ng Sitio Akon, Barangay San Vicente sa nabanggit na munisipalidad.

Ayon kay Marilyn Sabroso, ina ni Kyle, nakiusap ang kanyang anak na dumalo sa kaarawan ng kanilang pinsan sa isang beach resort kasama ang mga kaibigan.
Nagulat nalang ito ng hindi pa umuuwi ang kanyang anak hanggang sa nakatanggap ng balita na natagpuan na itong patay alas-7 Agosto 31.
Ayon kay Col. Ladeo na naliligo ang biktima ng sariling dugo ng natagpuan ito na nakahandusay ang katawan sa damuhan sa nabanggit na lugar matapos umanong hampasin ng bato nila Ar-ar, 17 anyos at Fitz, 16 years old bagay na agad na itinanggi nga dalawang pinaniniwalaang suspek.
Ngunit sa pamamagitan ng damit na may dugo at cell phone na pag-aari ngng dalawa na narekober din malapit sa pinangyarihan ng krimen, sinabi ni Col. Ladeo na ang mga nakuhang ebidensya ang siyang magpapatunay na ginawa ng dalawang suspek ang krimen.
Dagdag pa sa opisyal na nakitang may mga pasa at kagat din ng ngipin sa katawan ni Fitz.
Magsasampa sila ng kasong murder sa prosecutor’s office laban sa mga suspek, at ibibigay nila ito sa DSWD Sarangani para sa kaukulang disposisyon ng mga menor de edad na suspek.