Nilinaw ni Senador JV Ejercito na hindi niya isinasantabi ang posibilidad na may kinalaman ang China sa pag-atakeng natatanggap niya at ng ilang politiko sa social media.
Ito ay nangyari matapos nilang imungkahi sa Pangulo na paalisin na sa Pilipinas ang ambassador ng China dahil hindi naman umano ito nakakatulong sa pagsasaayos ng tensyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Ejercito, parte lang talaga ng destabilization plan ng China ito upang mawala ang atensyon ng mga Pilipino sa WPS at mag-away away.
Dagdag pa niya, mayroon ding intelligence report na nagsasabing tina-tap ng China ang mga ito upang makabuo ng gulo sa loob ng bansa.
Maalala, ayon kay Ejercito, ang ilan sa mga katulad niyang tinatarget ng mga nasabing troll ay sina Senate President Migz Zubiri, Defense Secretary Gilbert Teodoro, Coast Guard Commodore Jay Tarriela at House Speaker Martin Romualdez.