CAMARINES NORTE- Maaari nang magbukas uli ang mga tourist destination at resorts sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte simula ngayong araw.
Yan ay matapos na ipatupad ang month- long temporary closure ng lahat ng tourist destination at mga resorts sa naturang bayan dahil sa banta ng COVID- 19.
Sa text message, kinumpirma ni Municipal Administrator Elmer Nagera na simula ngayong araw ay bukas na ulit ang mga tourist spots pero mayroong limitasyon.
Hindi nagbigay ng karagdagang detalye ang opisyal pero binigyang diin nito na ang magiging restriction at limitation ay alinsunod sa panuntunan ng Inter- Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases o IATF.
Batay naman sa issuance ng Provincial Incident Management Team patungkol sa mga policies and guidelines sa ilalim ng Modified General Community Quarantine pinapayagang mag operate ang mga food establishments, resorts at recreational facility sa 50 % capacity.
Kung maaalala nagpalabas ng Executive Order ang LGU Mercedes noong May 3, na nag- uutos ng temporary closure sa mga tourist destination sa naturang bayan sa buong buwan ng Mayo sa gitna pa rin ng tumataas na bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

