Mga tirada ni VP Sara – hindi raw dapat seryosohin – Atty. Sal

Naniniwala si dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na hindi dapat masiyadong seryosohin ang mga tirada ni Vice President Sara Duterte.

Una na kasing sinabi ng Bise na ‘pag nagpatuloy daw ang mga pag-atake sa kaniya ng administrasyon – huhukayin daw niya sa libingan si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ibabato sa West Philippine Sea.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Panelo – sinabi nitong ‘literal’ na tinatanggap ang mga patutsada ng Bise Presidente.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Aniya, sa mga bumabatikos, tila’y ‘di raw nila alam ang ‘hyperbole’, ‘o ‘yung pag-exaggerate sa mga bagay-bagay.

Binanggit din niya na hindi na ito pinatulan ni Sen. Imee Marcos kung kaya’t huwag raw masiyadong bigyan ng kahulugan.