Mga telcos,banko at e-commerce pinagpaliwanag ng NPC, Re:’smishing’

Pinagpapaliwanag ng National Privacy Commission (NPC) ang mga banks, telcos, at e-commerce companies sa ginawa nitong hakbang para labanan ang ‘smishing’ kasunod ng biglang pagdagsa ng mga spam text messages.

Ayon kay Privacy Commissioner Raymund Liboro ipinasummon nila ang data protection officers mula sa Globe telecom, Smart Communication, Dito telecomm at maging ang Lazada at Shoppee.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Sa isang pahayag sinabi naman ng Globe na nakiisa sila sa internal Cybersecurity at Data Privacy group upang mas palakasin pa ang cybesecurity at maprotektahan ang kanilang mga customer.

Sa katunayan nasa 5,670 na mga numero na umano ang na-deactivate ng Globe at halos 71 milyon na spam messages ang na-block na nito ngayong taon.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Aminado ang telco giant sa abala na dala ng mga spam text messages, kaya’t patuloy itong nagsusumikap para maging tuluyan nang spam-free ang customer experience ng mga subscribers nito.