Free tractor services program ng So.Cot, nagpapatuloy

KORONADAL CITY- MAHIGIT sa 300 ektarya na ng sakahan ang naserbisyuhan ng Free Tractor Services program ng provincial government ng South Cotabato sa ilalim ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAg.

Inihayag ni Rommel Eladia, field operations division supervising agriculturist ng OPAg na nakinabang dito ang 120 mga magsasaka sa probinsya.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa ngayon, patuloy na tumatanggap ng application ang OPAg sa mga gustong mag-avail ng naturang programa.

Nilinaw ni Eladia na isinasailalim nila sa validation ang mga nag-aaplay upang masiguro na yaong mga mahihirap na mga farmers na walang kakayahang magbayad ng makinarya ang makaka-avail ng programa.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa free tractor services program, libreng pinapagamit ng provincial government ang mga traktora na my libreng krudo at tractor operator upang magtrabaho sa mga sakahan.

Sa mga interesado, makipag-ugnayan lamang sa mga OPAg o sa mga Municipal Agricultures Office.