LEGASPI CITY – Nagkabit ng Closed-Circuit Television (CCTV) ang Legazpi City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa palibot ng bulkang Mayon, para mamonitor ang aktibidad sa paligid ng Bulkan na kasalukuyang nasa Alert level 3.
Makakatulong din umano ito sa Emergency Operation Center upang agad na makita ang sitwasyon ng bulkan at agad makapag bigay ng anunsyo at mag responde.
Sa monitoring naman ng Phivolcs, biglang tumaas ang bilang ng naitalang volcanic earthquake sa paligid ng Bulkang Mayon, sa 24 sa loob ng 24 oras na mas dumami kumpara noong mga nakaraang mga araw.
Maliban dito, naitala rin ang 257 rockfall events, 16 pyroclastic density currents at pagbuga ng 663 toneladang sulfur dioxide.

Samantala, inaasahan naman na posibleng may maganap na lahar flow kapag makaranas ng matinding pag-ulan.
Dahil dito, muling nagbabala ang PHILVOCS na iwasan ang pagpasok sa 6KM permanent danger zone nito. //JRB, edited MHEL PACIA