Mga tauhan ni Cong. JCA, “malinis” umano sa anomalya sa TUPAD program ng DOLE

Malinis umano at walang kinalaman ang mga tauhan ni Palawan 2nd District Cong. Jose Chavez Alvarez sa kontrobersyal na TUPAD program ng Department of Labor and Employment.

Ito ang natitiyak ni Richristopher “Payging” Magbanua sa ilalim ng opisina ng kongresista sa panayam dito ng Tira Brigada kanina.

Read More:  Delayed bridge project leaves Cebu students, residents struggling

Ayon kay Magbanua, mahigpit sila sa pag-validate sa mga posibleng beneficiaries ang Provincial Employment Services Office (PESO) – Palawan na siyang nangangasiwa katuwang ang tanggapan ang 2nd District Representative.

Nilinaw din niya na wala pang pay-out o release sa munisipyo ng Sofronio Española kung saan nagmula ang reklamo sa Brigada na may hinatian na isang TUPAD Beneficiary sa perang natanggap nito.

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Samantala, hinamon ng dating board member ang mga nag-uugnay sa kanya sa anomalya sa programa na lumutang at patunayan ang alegasyon.