Mga tauhan ng NCRPO, kasado na sa papalapit na kapaskuhan

Kasado na ang mga tauhan National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa nalalapit na kapaskuhan lalo na sa mga lugar na madalas pinupuntahan ng publiko.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PLTCOL Eunice Salas, Chief PIO ng NCRPO, patuloy ang paglalagay ng Police visibility sa mga pasyalan, malalaking Mall at park na dinarayo tuwing Christmas season.

Read More:  Taguig police officer faces administrative complaint over alleged child harassment

Samantala, bagaman natapos na ang Barangay at Sangguniang Kabataa Election maging ang Undas at naka-alerto pa rin aniya ang PNP lalo na sa paglalatag ng mga checkpoint dahil magtatagal pa ang Election Gun Ban hanggang sa Nov. 29.

Read More:  Tindig Pilipinas: protests should not shield public officials from investigation

Ayon sa NCRPO, generally peaceful ang naging paggunita ng Undas sa Kamaynilaan at walang mga untowqards incident ang nailata.