Ilang ektarya ng palayan sa Cabusao, Camarines Sur lubog pa rin sa tubig-baha

NAGA CITY –May mga palayan sa Cabusao, Camarines Sur ang lubog pa rin sa tubig-baha dahil sa pag-uulan na dala ng sama ng panahon at ng habagat, nag resulta ito sa pagkabulok ng mga naunang palay na naitanim.

Ang mga apektadong magsasaka ay mula sa Barangay Camagong at Pandan.

Ilan sa mga magsasakang ito ang nabigyan na rin ng ayuda ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office na siyang direktang namigay ng libreng binhi at fertilizer voucher.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Batay ito sa naging pahayag ni Municipal Agriculturist Engr. Joey Moral, bilang aksyon nila at suporta sa mga magsasakang apektado ng kalamidad.

Paliwanag ni Moral, bago pa ang pag-uulan ay dati ng may tubig ang mga taniman, na lalong nadagdagan sa pagbagsak ng ulan noong nakaraang mga araw at manaka-naka naman noong Sabado at Linggo.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Iyong ibang magsasaka na hindi naman binaha ay nakatakda na ring mag-harvest ng palay ngayong paparating na Setyembre.

Pagdating naman sa magiging epekto ng El Niño, inihahanda na rin nila ang irrigation system sabi pa ni Moral.