Mga senador, kanya-kanyang latag ng mga gustong marinig sa SONA ni PBBM

Tatlong araw bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., umaasa ang mga senador na tatakayin nito ang pandemic recovery ng bansa.

Ayon kay Senator Loren Legarda, looking forward siyang marinig ang specific measures sa transition para sa “better normal,” mula sa speech ni Marcos, gayundin ang mga priority programs at policy reforms sa health at education, food security, agriculture at sustainability programs, economic at fiscal policies, human rights at social justice, unemployment at underemployment, legislative agenda, at ang mahalagang papel ng mga local governments.

Read More:  Palace urges Senator Bato to face ICC process

Senegundahan rin ito ni Senator Sonny Angara, at sinabing nais niyang ilatag ang mga plano ng pangulo kung paano mapapaganda ang serbisyo ng pamahalaan pagdating sa kalusugan, sa edukasyon, paano makalikha ng trabaho.

Read More:  Public urged to maintain strict cleanliness amid Hantavirus monitoring

Sa panig naman ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa, nais nitong marinig sa bagong administrasyon kung ipagpapatuloy ang mga achievements ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.