Vergeire, bukas na maitalagang DOH chief

Bukas si Department of Health (DOH) Officer-in-Charge (DOH) Maria Rosario Vergeire sakaling siya ang maitatalaga bilang baging head ng state health agency.

Ayon kay Vergeire, susubukan niya kung ano ang kakahinatnan ng kanyang kapalaran, at laging ipinagdarasal kung anu ang kanyang mapupuntahan.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Pero sa ngayon, nakatutok muna ang opisyal sa pagsisilbi sa publiko bilang DOH OIC.

Una nito, pinuri ng mga senador ang pagkakatalaga kay Vergeire bilang DOH OIC.

Matatandaan na sinabi ni Senator Grace Poe na good candidate para ikonsidera si Vergeire bilang DOH secretary, kasabay ng paglalarawan na ang DOH OIC ay kalmado, knowledgeable, rational, fair at impartial, at straightforward sa pagbibigay ng update sa publiko.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Samantala, pinasalamatan naman ni Vergeire ang mga sumusuporta at nagtitiwala sa kanyang kakayaha.