Mga seaferers – may libreng-sakay sa LRT-2, MRT-3 bukas

Magbibigay ng libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng seafarers sa LRT-2 at MRT-3 sa Hunyo 25.

Ito’y kasabay ngpagdiriwang ng ‘Day of the Filipino Seafarer’.

Ayon sa DOTr, ang libreng sakay ay mula 7 a.m hanggang 9 a.m at 5 p.m hanggang 7 p.m para sa LRT-2.

Para naman sa MRT-3, ang libreng sakay ay magsisimula ng alas-5 ng umaga hanggang sa matapos ang araw ng operasyon.

Pinapayuhan ang mga seafarers na magdala o magpakita ng valid Seafarer’s Identity Document para ma-avail ang libreng sakay.

Sinabi rin ng DOTr na maari din nilang maging patunay ang kanilang Seafarer’s Identification Booklet. (more reports from INTERN CHA ARMADA – 105.1 Brigada News Fm Manila)