Abogado mula sa isabela, itinalagang pinaka-batang executive director ng LTO

𝗔𝗕𝗢𝗚𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔-𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗫𝗘𝗖𝗨𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗗𝗜𝗥𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗟𝗧𝗢 Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Greg Guillermo Pua bilang pinaka-batang hahawak sa posisyon ng pagiging Executive Director ng Land Transportation Office.

Inihayag naman ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza na magiging daan si Atty. Pua sa pagtalakay ng mga isyung kinakaharap ng LTO, pakikipag-ugnayan sa mga kliyenteng kabataan at pag-promote ng road safety bilang pangunahing adbokasiya ng Department of Transportation.

Si Atty. Pua, 35-anyos ay anak ni San Mateo Mayor Gregorio Pua at siya rin ay nagsilbing legal consultant ng iba’t-ibang transport group bago naging Chief Legal Consultant ng LTO.

Inaasahang ang naging trabaho nito ay makatutulong sa tamang implementasyon ng mga programa at proyekto ng LTO upang makapag-bigay ng maayos na serbisyo sa kanilang kliyente.

Binati naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela si Atty. Pua sa kaniyang appointment bilang bagong Executive Director at pagbibigay ng karangalan sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *