P1B na pondo para sa construction and upgrade sa mga water, sanitation, and hygiene facilities sa mga LGUs – aprub na ng DBM

Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagre-release ng higit-kumulang P1B na pondo para sa pagtatayo, pagpapalawak, at pag-upgrade ng mga proyektong water, sanitation, at hygiene (WaSH) facilities sa mga kwalipikadong local government units (LGUs) sa buong bansa.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayon kay DBM Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman, sakop ng WaSH program ang higit 70 benepesyaryo ng municipal local government units (MLGU) sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ani Pangandaman, sa sandaling maipatupad ang hakbang na ito, mas magiging mabilis at madali ang access sa ligtas at maayos na water supply.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Ang inilabas na pondo ay alinsunod umano sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na matiyak ang pagkakaroon ng malinis na tubig para sa lahat ng pamilyang Pilipino.