Mga sari-sari store owner na apektado ng price ceiling, pinabibigyan rin ni PBBM ng cash assistance

Magsisimula na ngayong araw hanggang Sept 29 ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ng cash assistance sa mga sari-sari store owner na apektado ng price ceiling ng bigas.

Kasunod ito ng naging direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos sa ahensya.

Samantala sa latest update ng DSWD, nasa 6,161 out of 8,390 na mga micro at small rice retailers ang nabibigyan nila ng ayuda, kung saan umaabot na sa mahigit 92 million pesos ang halaga ng financial assistance na naipamahagi nila.

Katuwang pa rin ng DSWD sa pamamahagi ang Department of Trade and Industry o DTI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *