Senate probe sa Socorro, dapat sa ‘Kapihan’ gawin – lider

‘Hustisya para sa bayan’

Ito ang sigaw ng mga miyembro ng Socorro Bayanihan Services (SBS) matapos ang alegasyon na sila umano ay isang kulto at kanilang inaabuso ang mga kabataan.

Sa gitna ng pagiging emosyonal, halos himatayin pa ang SBS leader na si Jay Rence Quilario o Senior Aguila.

Samantala, ipinaabot ng Provincial Director ng Surigao Del Norte Police ang imbitasyon ng Senado sa gagawing pagdinig sa naturang kaso sa Huwebes, September 28.

Ayon kay Quilario, wala silang pondo para lumipad sa Maynila upang harapin ang Senado.

Bukod dito, nananawagan din ang organisasyon na papuntahin na lamang ang Department of Justice (DOJ) at sa Sitio Kapihan na lamang gawin ang preliminary investigation ng mga reklamo ng mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *