Sandy Cay 2 na malapit sa Pag-Asa Island, tinambakan ng China ng mga patay at durog-durog na corals

Tinambakan umano ng China ang Sandy Cay 2 ng patay at durog-durog na corals.

Ito ay kasunod sa natagpuang wasak at halos nakalbong bahura sa Rozul Reef at Escoda Shoal.

Kumpara sa Sandy Cay 1 na puro buhangin; halos singtaas naman ng tao ang itinambak na mga coral reefs sa Sandy Cay 2.

Ang Sandy Cay 2 ay isa sa apat na casal sandbar na matatagpuan sa bungad ng Pag-asa Island na may layong 3 nautical miles.

Samantala, wala pa namang pahayag ang Armed Forces of the Philippines-Western Command hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *