Naglabas na ng listahan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa mga ruta na mayroon at walang nag-consolidate na jeepney sa buong bansa.
Ito’y sa harap ng pag-usad sa PUV modernization kung saan simula February 1 ay ikokonsiderang mga kolorum ang mga jeep na hindi nakipag-consolidate.
Sa Metro Manila, nasa tatlong daang ruta ng jeep ang walang nag-consolidate.
Kabilang na rito ang mga rutang papunta sa Divisoria, Maynila; mula Kamuning papuntang Maynila; at maging ang mga jeep papunta sa Pasig, Makati at Parañaque na ang sakayan ay sa EDSA.
Tiniyak ng ahensya na kanilang pupunan at titiyakin na may babiyahe pa ring mga jeep sa mga apektadong ruta.
