Mga resorts sa Naga City kabilang sa venue para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ; pag overnight sa ilang resorts pinagbabawal pa rin

NAGA CITY – May mga resorts sa upper barangay ng Naga City ang kabilang sa mga paboritong venue para pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa kabila ng ilan sa mga ito ang bawal pa rin ang pag overnight dahil sa isyu ng seguridad.

Sa Malabsay Falls, pampublikong resorts mina-manage ng City Government ang maghapon lamang pinapoayagan at bago mag gabi tiniyak ng mga otoridad na wala ng ekskursiyonista na naliligo roon lalo na ang grupo ng mga kabataan.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Ayon naman sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Panicuason Punong Barangay Domingo Ramos, ang lugar ay matiyagang binabantayan ng mga barangay tanod nila kasama ang ilang mga personahe ng City Enviroment and Natural Resources Office para matiyak na ligtas ang mga ekskursiyonista sa sinumang magpapasaway.

Read More:  Dump truck falls into sea while boarding ship in Cebu

Malayo ang lugar kaya ang paalala nila sa mga dumarayo sa lugar, huwag gaanong maglasing para hindi madisgrasya sa kanilang pag-uwi.