Mga residente – pinag-iingat sa Mt. Kanlaon

Nagpaalala ang PHIVOLCS sa publiko na iwasan ang matagal na pagkaka-expose sa sulfur dioxide mula sa Bulkang Kanlaon.

Nakapagbuga kasi ang bulkan ng 5,177 tonelada ng sulfur dioxide flux batay sa monitoring sa nakalipas na 24 oras.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Ayon sa PHIVOLCS, posibleng mairita ang mata, lalamunan, at respiratory tract dahil sa exposure, kaya mahigpit ding pinag-iingat ang mga taong may mga health condition sa paghinga.

Pinag-iingat din ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga residenteng nakatira sa Negros Island.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Ito’y dahil sa maaaring pagpatak ng abo na ibinuga ng Bulkang Kanlaon.

Samantala, nakataas pa rin sa Alert Level 2 ang bulkan dahil sa “increased unrest” nito kasunod ng naging pagsabog noong Hunyo.