SP Chiz – pinasusuko ang gumamit ng ‘7’ senatorial plate sa EDSA busway

Kinondena ni Senate President Chiz Escudero ang naiulat na pagdaan ng isang puting SUV na may plate number na ‘7’ sa EDSA busway sa may bahagi ng northbound ng Guadalupe station.

Ayon kay Escudero, hindi katanggap-tanggap ang ginawang aksyon ng drayber at maging ng pasahero nito dahil malinaw na pinagbabawalan ang sinumang unauthorized na sasakyan na dumaan dito.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Kasunod nito, nanawagan ang senador sa kapwa niya mambabatas na pasukuin na sa awtoridad ang drayber na tumakas sa panghuhuli at untikan pang makasagasa ng enforcer.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Maalala, ayon sa MMDA, ang ilan lang sa mga awtorisadong dumaan sa EDSA busway ay ang presidente, bise presidente at iba pang emergency vehicles tulad ng ambulansya at fire trucks.