Muling nakapagtala ng degassing activity ang PHIVOLCS sa Mount Kanalon
Sa huling monitoring – mayroong ibinugang 5,150 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan, at mayroon ding 19 na volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.
Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay PHIVOLCS dir. Teresito Bacolcol – sinabi nitong bagamat hindi pa ito significant na pagtaas sa aktibidad ng bulkan, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na magkaroong muli ng eruption na gaya ng nangyari noong Hunyo.
Hindi rin umano imposible na itaas sa alert level 3 ang status ng bulkan sakali mang madagdagan pa ang aktibidad nito.
Dahil dito – patuloy ang kaniyang apela sa mga residente sa Canlaon City at mga karatig na lugar sa Bulkan na mag-doble ingat at ‘wag magpaka-kampante.