New Government Procurement Act at Anti-Financial Account Scamming Act, ganap nang batas matapos lagdaan ni PBBM

Nilagdaan na kaninang umaga ni Pangulong Bongbong Marcos bilang ganap na batas ang New Government Procurement Act o NGPA at Anti-Financial Account Scamming Act o AFASA.

Sa kanyang talumpati sa Ceremonial Signing na ginanap sa Palasyo ng
Malacañang, sinabi ng Pangulo na sa tulong ng bagong batas na NGPA, paiikliin na nito sa 60 days ang procurement process na dating tumatagal ng tatlong buwan.

Read More:  Habagat toll: 15 reported dead, 13 injured and 6 missing across Philippines

Tampok din dito ang 11 bagong modalities ng procurement na magbibigay daan sa mga ahensya ng pamahalaan na makapili ng mas mahusay na goods at services.

Samantala ang pagsasabatas naman ng AFASA, inaasahang magiging daan ito upang mabawasan ang mga nabibiktima ng online scam.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Sa ilalim nito parurusahan na at pagmumultahin ang mga masasangkot sa money muling, social engineering schemes, economic sabotage, at iba pang paglabag na may kinalaman sa mga financial accounts.

Binibigyan din nito ng kapangyarihan ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na suriin ang mga financial accounts ng mga hinihinalang sangkot sa mga ipinagbabawal na gawain.