‘Trabaho muna bago ang personal na intensyon.’
Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo sa mga pulis na hindi makakatiis na makipag selfie sa mga players at iba pang sikat na personalidad idaraos na FIBA Basketball World cup na magsisimula na bukas.

Sinabi ni Fajardo, bagamat naiintindihan naman nila na may ilan sa mga ito ang fan ng basketball, kinakailangan pa rin aniyang magampanan ang kanilang trabaho at hindi mawala sa focus sa pagbibigay ng seguridad sa mga manlalaro at delgasyon na nandito ngayon sa bansa.
Nabigyan na rin aniya ng direktiba ang kanilang mga field comamnders na iwasan ang ganitong scenario.
Ayon kay Fajardo, ang mga pulis na mahuhuling nakikipag selfie ay maaari maharap sa administrative sanctions.