Nasa 194 na infrastructure flagship projects sa ilalim ng build better programs ng administrasyong Marcos ang ilan sa ibinida ng economic sa Philippine economic Briefing sa Singapore.
Kabilang dito ang mga proyektong may kinalaman sa physical connectivity, water resources at agrikultura na tinatayang nagkakahalaga ng 8.2 trillion pesos.
Ayon kay Finance Sec. Benjamin Diokno, mahigit kalahati nito ay popondohan ng official development assistance habang mahigit 30% ay popondohan sa pamamagitan ng PPP at bahagi ng mga proyekto ay popondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund.

Sa ngayon nasa Kongreso pa ang MIF bill at ginagawan ng corrections sa natukoy na umano’y minor errors bago ipadala sa Malacanang para sa lagda ng Pangulo.
Sa taya ng NEDA, inaasahang maaabot na ng Pilipinas ang upper middle income status sa susunod na taon o sa 2025 at isa sa paraan para maabot ito ay pagpaparami ng mamumuhunan sa bansa. //CA, edited MHEL PACIA